Kinumpirma na ni Fighting Senator Manny Pacquiao ang laban nito kay WBO Welterweight Champion Jesse Vargas sa darating na November 5.
Ginawa ni Pacquiao ang anunsyo matapos itong makipagpulong sa kanyang promoter na si Bob Arum.
Ayon kay Pacquiao balik boksing na siya dahil sa boksing aniya ang kanyang passion.
Nanabik din aniya siya muling mag-ensayo sa ibabaw ng lona.
Ang promotional tour para sa laban ni Pacquiao ay gaganapin sa September 8 hanggang 10 sa Los Angeles habang sa Las Vegas naman idaraos ang bakbakan ng Pambansang Kamao at ni Vargas sa Nobyembre.
By Ralph Obina