Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (COMELEC), ang posibilidad na hindi ipalabas sa Pilipinas ang laban ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao kay Timothy Bradley, sa Abril 9.
Kaugnay ito ng petisyon ni dating Akbayan Partylist Rep. Walden Bello hinggil sa posibleng paglabag sa campaign rules ng naturang laban.
Binigyang diin din ni COMELEC Chairman Andres Bautista na hindi maaaring basta nalang sundin ang naunang desisyon ng COMELEC sa 2007 elections dahil iba ang posisyon at ang pamunuan ng poll body noon.
Magunitang pinayagan ng COMELEC na tumakbo si Pacquiao noong 2007 elections sa pagka-kongresista ng unang distrito ng South Cotabato kahit na ang may laban siya noong April 15 kay Jorge Solis.
Sa nasabing halalan ay natalo si Pacman kay incumbent Representative Darlene Antonio-Custodio.
By Katrina Valle | Allan Francisco