Isiniwalat ni Top Rank Promoter Bob Arum na posibleng ilatag nila ang laban nina Manny Pacquiao at Amir Khan sa Las Vegas sa katapusan ng Pebrero ng susunod na taon.
Aniya, kung hindi magkakasundo sa naturang petsa ay posible rin itong ikasa sa huling linggo ng Abril 2016.
Ayon kay Arum, si Khan ang numero uno sa listahan ng mga pinagpipilian nila na maaaring makasagupa sa ring ng pambansang kamao.
Sinabi ni Arum na nakikipag-negosasyon na rin ito sa tiyuhin ni khan at abogado nitong si Atty. Robert Davis.
Sinasabing hindi interesado ang kampo ni Khan na harapin si Ruslan Provodnikov.
Gayunman, nagbabala ang trainer ni Khan na si Virgil Hunter na kung gusto ng British boxer na makalaban si Pacquiao ay dapat bawas-bawasan ang kanyang charity engagements.
By: Jelbert Perdez