Naunsyami ang paghaharap ni world no.1 Serena Williams at 43rd seed Roberta Vinci ng Italy sa US Open semi-finals dahil sa matinding pag-ulan.
Dahil ditto kinailangang maghintay ng dalawang manlalaro hanggang hanggang bukas para magkaalaman na kung sino sa kanila ang papasok sa finals para makalaban ang mananalo sa pagitan nina Simona Halep ng Romania at Flavia Pennetta ng Italya.
Target ni Williams na makapagbaon pa ng dalawang panalo para tanghaling kauna unahang tennis player na makasungkit ng 4 na grand slam titles sa isang season.
Matatandaang noong Enero, napalalunan ni williams ang Australian Open, French Open noong Hunyo habang pinagharian din nito ang Wimbledon noong Hulyo.
By: Ralph Obina