Lalong lumakas ang loob ng gobyerno na isulong ang laban sa West Philippine Sea sa U.N. Arbitral Tribunal.
Ito’y bunsod na rin ng inaning suporta mula sa mga lider na dumalo sa katatapos lamang na Asia Pacific Economic Cooperation Summit.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na sa simula pa man ay hindi nila inisip na makipagsabayan sa China sa isyu ng military capability kaya mas piniling idaan ito sa International Tribunal.
Mismong sina US President Barack Obama, Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang nagsabing dapat igalang ang international law at mga prosesong ginagawa para sa mapayapang kalutasan ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)