Dikit pa rin umano ang laban sa pagitan ng mga kandidato sa halalang pampanguluhan.
Ginawa ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda ang pahayag kasunod ng pangingibabaw ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuli nitong survey at gayundin sa Social Weather Stations o SWS.
Ayon kay Tabunda, naniniwala siyang four-way race ang laban sa eleksyon nina Duterte, Senator Grace Poe, Vice President Jojo Binay, Senator Miriam Defensor-Santiago at dating DILG Secretary Mar Roxas.
Giit ng Pulse Asia official, maaaring makaapekto sa mga numero ni Duterte sa mga susunod na araw ang mga pahayag laban sa kanya ng apat niyang kalaban sa pulitika.
By Jelbert Perdez