Nananatiling gitgitan ang labanan nina US Presidentiables Hillary Clinton at Donald Trump kung saan may 2 point edge na lamang ang dating first lady sa negosyante.
Batay ito sa pinakahuling national survey na isinagawa ng ABC News/Washington Post tracking poll, walong araw ito bago ang eleksyon sa Amerika.
Lumalabas sa nasabing survey na anim sa bawat sampung botante ang nagsabing hindi makakaapekto ang imbestigasyon ng FBI sa mga na-hack na e-mails ni Clinton.
Samantala, nakapagtala rin ng bagong record ang mga battleground states sa ginaganap na early voting sa Amerika.
Sa North Carolina na maituturing na must win na estado para kay Trump, lumalabas na pabor kay Hillary ang figures na umabot ng 47 percent habang 41 percent lamang ang kay Trump.
By Judith Larino