Tila mas magiging ‘interesting’ ang labanan sa presidential election sa susunod na taon.
Ito, ayon kay Senator Serge Osmeña, ay dahil sa deklarasyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tatakbo na ito sa pagka-Pangulo.
Ayon kay Osmeña, head ng Senate Committe on Public Services, maaaring makaapekto sa mga political survey ang atras-abante na taktika ni Duterte.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Osmeña magagamit pa rin umano ni Duterte ang kanyang kasikatan o popularity kung saan posibleng si Senator Grace Poe ang maapektuhan sa pagkakapasok niya sa presidential race.
“Sa past surveys kung kukuha siya ng boto kay Grace Poe, yung pagtanggal sa kanya lang sa last survey na nawala yung pangalan niya biglang tumaas si Grace Poe ng mga 12 percent, that was sizable jump.” Pahayag ni Osmeña.
By Jelbert Perdez | Karambola