Inanunsyo na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagtatapos ng digmaan sa Marawi City.
Ito ay eksakto limang buwan magmula nang umatake sa lungsod ang Maute – ISIS terrorist group sa lungsod noong Mayo 23.
Ayon kay Lorenzana, nalansag na sa combat operations ng military ang mga natitirang miyembro ng Maute na nasa isang gusali ng Marawi.
“After 154 days of the siege of Marawi by the dies expired Maute – ISIS Group or after a week since Commander – in – Chief declared the liberation of Marawi, we now announce the termination of all combat operations in Marawi.
Sinabi ni Lorenzana na malaking tagumpay ito sa Pilipinas na napigilan ang pagkalat ng terorismo sa iba panbg bahagi ng Asya.
“We declare that this achievement is clear manifestation of our regional cooperation and lives to assuasive advance against the proliferation of terrorism in this part of the world.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Lorenzana ang mga bansang tumulong sa Pilipinas kabilang na ang China, Estados Unidos, Australia, Malaysia, Indonesia, Brunei at Singapore.
920 miyembro ng Maute ang napatay sa opensiba ng pamahalaan
Tinatayang nasa tatlumpu (30) hanggang apatnapung (40) terorista ang napatay ng militar sa loob ng huling gusaling hawak ng Maute – ISIS Group sa Marawi City.
Hindi inaalis ni Task Force Ranao Deputy Commander Romeo Brawner ang posibilidad na napatay din sa bakbakan mga babaeng kaanak at asawa ng mga terorista na nakipaglaban na rin sa mga otoridad.
Sa kabuuan, papalo na sa siyamnaraan at dalawampung (920) miyembro ng Maute ang napapatay sa opensiba ng pamahalaan.
Aabot naman sa isandaan at animnapu’t limang (165) sundalo’t pulis ang napatay sa bakbakan habang nasa isanlibo pitongdaan at walumpung (1,780) bihag naman ang na-rescue ng mga otoridad.
Sinabi ni Brawner na susunod naman nilang pagtutuunan ng pansin ngayon ang clearing operations.
Pamilya ni Isnilon Hapilon kasama sa bakbakan sa Marawi
Napatay sa labanan ang tatlo sa mga anak ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao, hindi naman kaila na kasama ni Hapilon sa Marawi City ang kanyang pamilya na kinabibilangan ng tatlong anak nya na pawang mga fighters.
Sa ngayon anya ay patuloy ang pagsisikap nilang makuha ang labi ng mga anak ni Hapilon at ni Dr. Mahmud Ahmad, ang Malaysian national na di umano’y financier ng Maute – ISIS Terror Group.
Matatandaan na bago napatay si Ahmad ay nauna nang napatay sa labanan sina Hapilon at Omar Maute.