Ikinakasa na sa Disyembre 11 ang sagupaan ng mga Filipino boxing champions na sina Nonito Donaire Jr. at Reymart Gaballo.
Kinumpirma ng dalawang kampo na target ganapin ang bakbakan sa Estados Unidos.
Excited naman si Gaballo na makalaban ang kanyang iniidolong si Donaire.
Kasalukuyang nasa dikdikang training ang 25 anyos na mandatory challenger sa miami, florida kasama si trainer coach Osmiri “Moro” Fernandez.
Ikinatuwanaman ng the Filipino flash ang magandang asal ni gaballo na tinawag nitong may respeto at mabuting tao.
Gayunman, tiniyak ni Donaire na hindi nito sasantuhin si Gaballo sa oras na magkrus ang kanilang landas upang matagumpay na madepensahan ang kanyang WBC Bantamweight title.