Wala pang naisasarang kasunduan sa susunod na laban ni Senador Manny Pacquiao.
Ayon mismo kay Pacquiao, hindi pa tapos ang negosasyon sa kampo ni Australian boxer Jeff Horn na sinasabing susunod nyang makakalaban.
Sinabi ni Pacquiao na marami syang natatanggap na alok mula sa iba pang mga bansa kayat wala pang katiyakan na si Horn na ang susunod nyang makakaharap sa ring.
Samantala, iginiit ni Pacquiao ang kagustuhan nitong makalaban si Mixed Martial Arts Star Conor Mcgregor sakaling hindi matuloy ang laban nito kay Floyd Mayweather.
By Len Aguirre