Nananatiling gitgitan ang laban sa pagitan nina US President Donald Trump at Democratic Candidate Former Senator Joe Biden.
Ito ay sa kabilang ng maliit na lamang ni Biden kontra kay trump sa US Presidential race.
Kabilang sa nakuha ni Biden ang Wisconsin na isa sa itinuturing na pivotal state at kung saan nanalo si Trump noong 2016 US Presidential election.
Batay sa unofficial reuters projection, nangunguna si Biden sa Nevada, Maine, Michigan at Arizona.
Habang nangunguna naman si trump sa Pennsylvania, North Carolina, Georgia, Alaska, Florida at Texas.
Patuloy na tinututukan ang US Presidential election kung saan inaabangan kung sino ang unang makakakuha ng 270 electoral votes o higit pa sa pagitan nina Trump at Biden.
Electoral votes at hindi ang aktuwal na boto ng bawat indibiduwal ang bibilangin para sa US Presidential eletion.