Gitgitan ang laban nina Republican Presidential candidate Donald Trump at Democrat Presidential Candidate Hillary Clinton.
Selyado na ang panalo ni Trump sa Arkansas na hometown ni dating US President Bill Clinton, sa mga estado ng Indiana, Kentucky, West Virginia, Tennessee, South Carolina, Oklahoma, Alabama, Mississippi, North Dakota, South Dakota, Wyoming, Kansas, Texas at Nebras.
Samantala, bagamat natalo sa hometown ng kanyang asawa, nanalo naman si Clinton sa hometown ni Trump sa New York City at sinelyuhan ang panalo sa Vermont, Delaware, Maryland, New Jersey, Massachusetts, Rhode Island at Illinois.
Sa pinakahuling bilang ng Cable News Network, umaabot na sa 167 electoral votes ang nakuha ni Trump samantalang 109 ang kay Clinton.
Mangangailangan ng 270 electoral vote ang isang kandidato para ideklarang panalo sa US Presidential Elections.
By Len Aguirre