Inanunsyo ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang pag-iisyu ng bagong quarantine pass sa 80 barangay sa lungsod.
Kasunod na rin ito nang pagbawi sa quarantine pass na una nang ipinalabas ng lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Labella na sa ilalabas na bagong quarantine pass isang tao lamang kada bahay ang papayagang lumabas para bumili ng pagkain, gamot at iba pang essential items at mayruong itinakdang araw sa paggamit ng quarantine pass depende sa numero sa QR code.
Ang mga mayruong odd numbers QR codes ay u ubrang lumabas ng lunes, miyerkules at biyernes habang ang even numbers naman ay Martes, Huwebes at Sabado 6:00 a.m. ng umaga hanggang 7:00 p.m. ng gabi.
Ipinabatid ni Labella na pinulong na nina DENR Secretary Roy Cimatu at Visayas Deputy Chief Implementer Mel Feliciano ang lahat ng kapitan ng mga barangay sa kanilang lungsod.