Hindi pa rin napapauwi sa bansa ang labi ng 13 Pinoy na nasawi sa isang car accident sa Saudi Arabia.
Ang mga nasabing Pinoy ay namatay nang sumalpok ang sinasakyang coaster ng mga ito sa isabg delivery truck sa Al-Ahsa Province sa Saudi.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pag-aasikaso sa mga dokumento ng 13 Pinoy para maiuwi na ang labi ng mga ito sa bansa.
Ani Tago, kinukumpketo pa rin ng employer ng mga Pinoy na Saudi Arabian Kentz at ng mga Taujan ng embahada ang police report at iba pang importanteng dokumento para tuluyan nang maiuwi sa bansa ang bangkay ng mga ito.
Inaantay na rin ng DFA dito sa Pasay City ang naulilang pamilya ng mga Pinoy para maibigay nito ang consent to accept the remain ng kanilang nasawing kaanak.
Samantala tiniyak naman ng embahada na hindi rin hihinto sa pagtulong ang employer para naman sa mga nasugatang Pinoy sa aksidente.
By Allan Francisco