Natagpuan na ang bangkay ng dalawang batang natabunan sa nangyaring landslide sa Baguio City.
Nakita ito na magkasama sa isang sulok ng bahay na natabunan kung saan kasama ng mga bata ang kanilang aso.
Kinilala ang mga biktimang sina Thalia Cassy Ocampo, apat na taong gulang at Jodirose Tolibas, dalawang taong gulang.
Ayon sa Baguio City Police Office, aabisuhan nila ang mga residente kapag may darating na malakas na ulan at bagyo para hindi na maulit ang nangyaring insidente sa lugar.
Samantala, nasa punerarya na ang mga labi ng magkakamag-anak at humihingi sila ng kaunting tulong gaya ng ilang mga damit at pambili ng kanilang gamot.