Isasailalim na sa otopsiya ang labi ng dalawang Overseas Filipino Workers na nagpakamatay umano sa bahay ng kanilang mga amo sa Lebanon at Saudi Arabia.
Layon nito na malaman kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng naturang mga manggagawang Pinoy.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga pamahalaan ng Lebanon at Saudi Arabia ukol sa naturang mga insidente.
Matatandaang isang 35 anyos na Pinay domestic worker ang sinasabing tumalon mula sa ika-anim na palapag ng apartment ng kanyang amo sa Lebanon nuong June 11, habang isa namang pinay ang nagbigti sa Saudi Arabia nuong June 12 gamit ang isang electric cord.