Hindi pa rin nailalabas ang mga labi ng apat na napatay sa “Bloody Sunday” raids ng mga otoridad sa CALABARZON.
Ito, ayon sa KARAPATAN Southern Tagalog ay bagamat naisumite na ang mga kailangang papeles at nabayaran na rin ang gastos sa punerarya sa Antipolo.
Sinabi ng grupo na delaying tactic ang idinadahilan ng Philippine National Police (PNP) na nais umano ng alkalde ng bayan ng tanay na sagutin ang gastusin ng mga nasawi sa paglabas ng mga ito sa punenarya.
Ganito rin anila ang ginawa ng mga otoridad sa labi ni Peace Consultant Randall Echanis noong nakalipas na taon.