Na-cremate na ang labi ng celebrity chef na si Anthony Bourdain, halos isang linggo matapos itong magpakamatay.
Bukas nakatakda nang dalhin ng pamilya ni Bourdain ang abo nito pabalik ng Amerika.
Humingi naman ng privacy ang pamilya kasabay ng pasasalamat sa lahat mga nakikiramay.
Matatandaang nakaraang linggo nang makitang wala nang buhay si Bourdain sa hotel room nito sa France.
Ilang beses na ring bumisita sa Pilipinas si Bourdain kung saan kapuri-puri para sa kanya ang mga pagkaing Pinoy na sisig at lechon.
—-