Kasalukuyan nang nakaburol sa National Shrine of St. Anne sa Hagonoy, Bulacan ang labi Msgr. Sabino Vengco Jr..
Dinala ang labi ni Msgr. Vengco sa kaniyang hometown mula sa Malolos Cathedral kung saan ito binigyang pugay ng kaniyang mga naging Estudyante, Kaibigan at kapwa Guro.
Bago ito, isang misa muna ang ini-alay ng mga Pari mula sa Immaculate Conception Major Seminary ng Guiguinto para sa kanilang dating Propesor.
Kabilang din sa mga nag alay ng Misa kahapon ang mga naging estudyante ni Msgr. Vengco tulad ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Mananatili sa National Shrine of St. Anne si Msgr. Vengco na itinuturing na anak ng Hagonoy hanggang bukas, araw ng Sabado.
Ala-1 ng hapon, pangungunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang Funeral Mass para kay Msgr. Vengco bago siya ihatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Paring Anak ng Hagonoy. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)