Posibleng i-turn over na ng Malaysian authorities ang labi ng napaslang na half-brother ni North Korean leader Kim Jong Un sa isang kaanak nito sa pamamagitan ng North Korean Embassy.
Ipinabatid ito ni Deputy Prime Minister Ahmad Zahid Hamidi ng Malaysia, apat na araw matapos mapatay sa isang assassination plot si Kim Jong Nam sa Kuala Lumpur International Airport.
Tiniyak ni Ahmad na nakumpleto na ang lahat ng police at medical procedures kayat maaari na nilang i-release ang labi ni Kim Jong Nam.
Samantala inaresto ng Malaysian Police ang ikatlong suspek sa pagpatay kay Kim.
Ikinulong na ang nasabing suspek na umano’y boyfriend ng ikalawang suspek.
Una nang naaresto ang dalawang babaeng suspek na ang isa ay mayruong Indonesian passport at isa naman ay may bitbit na Vietnamese travel documents.
By Judith Larino