Kumikilos na ang pamahalaan para maiuwi sa bansa ang labi ng halos 300 Pilipino na nasa Saudi Arabia.
Sa harap ito ng 72 oras na deadline na ibinigay ng Hari ng Saudi Arabia para makuha ng mga labi.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, magkakaiba ang sanhi ng ikinasawi ng may 300 Pilipino.
Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello lll na nagpasya na ang pamahalaan na ipalibing na sa Saudi ang may 50 Pilipino na nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Well, sa ngayon isinasaayos with our embassy, our consulate in Saudi na maibalik sila at mabigyan ng nararapat na ritwal o seremonyas na sang-ayon sa kultura natin. Merong mga ibang sitwasyon katulad nung nasalubong namin nung Biyernes at Sabado na isinasakay sa commercial flight so, ito ay paisa-isa o dalawa-dalawa pero naiisip din talaga yung ilagay sila sa isang chartered cargo flight hindi na siya sa commercial,” ani Cacdac. -– panayam mula sa Balitang Todong Lakas.