Dumating na sa bansa ang labi ng Overseas Filipino Workers (OFW) na nag-viral sa social media dahil sa buto’t balat nitong pangagatawan.
Sakay ng eroplano galing Kuwait, sinalubong kaninang umaga ng kanyang pamilya ang labi ng Pinay OFW na si Jeanette Opido.
Kwento ni Arturo Opido, asawa ni Jeanette, hindi nito ipinaalam sa kanila na siya pala ay dinala sa ospital at kalaunan nga ay doon na namatay.
Inalalayan naman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at ng kanyang recruiter ang pamilya ni Opido para sa iba pa nilang kakailanganing tulong.
(Ulat ni Raoul Esperas)