Isang katorse anyos na lalaki na pinaniniwalaang kabilang sa mga nawawala sa kasagsagan ng bagyong Maring ang natagpuang patay sa San Cristobal River, Calamba City, Laguna.
Dakong ala 6:00 kaninang umaga nang marekober ang bangkay ng binatilyong si Lawrence Murillo, residente ng Barangay Mapagong.
Ayon kay Rommel Palacol ng Laguna Action Center, kabilang si Murillo sa Anim kataong nawala matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog ang kanilang bahay.
Nagpapatuloy anya ang search operation para sa iba pang biktima.
SMW:RPE