Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maiuwi pabalik ng Pilipinas ang labi ng mahigit 300 mga Filipinog nasawi sa Saudi Arabia bago ang Hulyo 4.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang na rito ang labi ng 145 mga Filipino na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Bello, meron na silang ini-schedule na pagpapauwi sa mga nabanggit na bangkay lalu na’t hanggang Hulyo 4 lamang ang ibinigay na palugit ng gobyerno ng Saudi Arabia.
Aniya, may ipinangako nang dalawang cargo planes si Transportation Secretary Arthur Tugade na siyang susundo sa mga labi.
Magugunitang inaprubahan ng Inter-Agency TAaskForce ang apela ng mga kaanak ng mga Filipinong nasawi dahi sa COVID-19 na mauwi ang labi ng mga ito taliwas sa unang plano ng pamahalaan ilibing na lamang ang ito sa Saudi Arabia.