Naiuwi na sa kanilang bayan sa Lamitan, Basilan ang labi ng Executive Assistant ni dating Lamitan Mayor Rosita Furigay na napatay sa pamamaril sa Ateneo De Manila University.
Ayon sa mga otoridad, ilalagak ang labi ni Capistrano sa bahay nito.
Limitado lang sa mga malalapit na kaibigan at pamilya ang maaaring pumunta sa burol.
Noong Martes unang ibinurol ang biktima sa isang kapilya sa Quezon City at ibiniyahe patungong Basilan kahapon ng umaga.
Bukod kay Capistrano, patay din sa pamamaril si Furigay at guwardya ng Ateneo na si Jeneven Bandiala makaraang pagbabarilin ng suspek na si Dr. Chiao Tiao Yumol.