Hindi uubrang maibalik sa bansa ang labi ng Pilipinong nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.
Ito ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay ay dahil mayroong mga patakarang ipinatutupad ang Italian government sa gitna na rin nang dinadanas na krisis sa nasabing sakit.
Kabilang dito aniya ang lockdown kung saan limitado talaga ang paggalaw kaya’t imposibleng maiuwi sa Pilipinas ang labi ng nasabing Pinoy.
Sinabi ni Dulay na bukod pa ito sa ginagawa rin sa Italy na mabilisang paglilibing o cremation sa mga nasawi dahil sa infectious disease.