Kinumpirma ni Army’s 4th Infantry Division Commander MGen. Romeo Brawner na sinunog na ang labi ni Jorge “Ka Oris” Madlos matapos mapatay sa engkwentro sa pagitan ng mga awtoridad at rebelde sa Bukidnon.
Ayon kay Brawner, isinagawa ang RT-PCR test sa labi ni Ka Oris gayundin kay Eighfel Dela Peña alyas Pika at Maui bago alisin ang kanilang mga katawan sa pinangyarihan ng engkwentro sa Impasugong noong Sabado.
Bahagi aniya iyon ng Standard Operating Procedures sa mga rebeldeng nasasawi, nahuhuli o sumusuko upang maiwasan pa rin ang hawaan ng COVID-19 sa mga tropa ng Pamahalaan.
Ipinasuri sa Philippine Red Cross ang samples kung saan nagpositibo ang mga naturang bangkay kaya’t inilipat sila sa tanggaan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at Lokal na Pamahalaan ng Impasugong. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)