Kasalukuyang nasa criminal evidence department na ng Kuwait ang bangkay ng 30 anyos na si Joanna Dimapilis para isailalim sa autopsy.
Magugunitang si Dimapilis ang bangkay na isinilid sa loob ng freezer ng tinatayang isang taon mula sa tahanan ng kaniyang employer na pawang Lebanese at Syrian Nationals.
Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, nagpapatuloy ang ugnayan ng gubyerno ng Pilipinas at ng mga awtoridad sa Kuwait para sa paghahanap sa mga employer ni Dimapilis.
Sa panig naman ng DOLE, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na batay sa paunang imbestigasyon ay may nakitang indikasyon na tinorture muna ang biktimang OFW bago ito pinatay at isinilid sa freezer.
Posted by: Robert Eugenio