Nakatakda nang iuwi bukas sa Pilipinas ang labi ng Overseas Filipino Worker o OFW na natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, puspusan na ang paghahanda ng Philippine Embassy sa Kuwait para sa pag-uwi sa bansa ng labi ni Joanna Demafelis.
Ang labi ni Demafelis ay natagpuan sa loob ng freezer sa apartment ng kanyang mga amo na mag-asawang Lebanese at Syrian nationals.
Batay sa isinagawang awtopsiya, namatay sa sobrang pambubugbog si Demafelis.
Tiniyak naman ni Ambassador Rene Villa na patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa Minister of Interior ng Kuwait upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Demafelis.
—-