Dumating na sa bansa ang labi ni Melody Castro, ang Pinay OFW na nasawi matapos na tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan noong nakaraang linggo.
Dakong alas-10:10 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1 ang China Airlines flight lulan ang labi ni Castro.
Sumalubong naman ang ilang opisyal ng Manila Economic and Cultural Office o MECO.
Ayon sa ulat, mananatili muna sa cargo house ng paliparan ang labi ni Castro na nakatakdang i-biyahe patungong Tuguegarao bukas ng umaga.
Samantala, ipinabatid naman ni Dr. Gary Song Huann Lin, Representative mula sa Taipei Economic and Cultural Office o TECO na makatatanggap ng tinatayang 2 milyong pisong halaga ng tulong ang pamilya ni Castro, kabilang na rin ang ayuda mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Written by Aiza Rendon / (Story by Raoul Esperas Patrol 45)