Natagpuan na ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang labi ng isa sa pitong nasawing Abu Sayyaf sa nangyaring engkuwentro nuong Nobyembre a-3.
Ayon kay Lt. Jerrica Angela Manongdo, tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu, nakilala ang natagpuang bangkay na si Dave Sawadjaan na pamangkin ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.
Nakita aniya ng mga tauhan ng 2nd Special Forces Battalion ng Philippine Army ang labi ni Sawadjaan sa karagatang sakop ng Tapul Island sa Sulu na may 20 kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkuwentro.
Batay sa inisyal na pagsusuri, nagtugma ang katawan nito sa pagsasalarawan kay sawadjaan at positibong kinilala rin ng kaniyang mga dating kasamahan.
Lumabas din sa pagsusuri na nagtamo ng tama ng bala ng baril ang nakababatang Sawadjaan sa kaniyang tiyan na lumabas sa kaniyang pigue.