Sinusuyod na ng militar ang ilang lugar sa Jolo Sulu na posibleng pinagtapunan sa labi ng Malaysian national na sinasabing pinugutan ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Brigadier General Alan Arrojado, ng Philippine Army, tinitignan na nila kung gaano ka-credible ang nakuha nilang intelligence report hingil sa pagpugot sa biktima na kinilalang si Bernard Then Ted Fen.
Si Bernard kasama ang isa pang babaeng Malaysian ay dinukot nuong buwan ng Mayo sa isang Chinese seafood restaurant sa Sabah Malaysia.
By Len Aguirre