Dumating na sa Pilipinas ang labi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, kahapon.
Dakong 5:30 ng hapon nang lumapag ang Philippine Air Force C-295 aircraft dala ang labi ni Sta. Romana sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Sinalubong ang yumaong embahador ng arrival honors na sinaksihan ng kanyang naulilang pamilya.
Pinangunahan naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Junior ang pagbibigay-pugay kay Sta. Romana.
Iniabot naman ni Locsin ang watawat ng Pilipinas sa kapatid ng embahador na si Flor Marie Sta. Romana-Cruz.
Abril 19 nang sumakabilang-buhay si Sta. Romana, na isa ring beteranong mamamahayag, pero hindi na idinetalye ng Department of Foreign Affairs ang sanhi ng kanyang pagpanaw.