Dumating na ang mga labi ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino sa kanilang bahay para sa ilang araw na burol dito.
Ayon sa pamilya ng yumaong Alkalde, sa ngayon ay gusto muna nilang maging pribado ang burol ng padre de pamilya para maging mataimtim din ang kanilang pagdadalamhati sa pagkawala nito kamakailan.
Sa kabila nito, ayon sa tagapagsalita ng Alkalde na si Ronald Ricafort, matapos ang pagdadalamhati ng pamilya, ay magsasagawa ng public viewing sa mga labi ni Aquino sa Marso 14 hanggang Marso 18 sa Calbayog City Sports Center bago ang nakatakdang misa at necrological service sa Calbayog City Hall.
Sa huli, patuloy na nananawagan ang pamilya Aquino ng hustisya sa pagkakasawi ng kanilang ama.