Nasa decomposition stage na ang labi ng Canadian National na si Robert Hall na binihag at pinugutan ng bandidong Abu Sayyaf tatlong linggo nang nakalilipas
Ito ang kinumpirma ni Western Mindanao Command Spokesman Maj. FILEMON Tan matapos matagpuan ang labi ni hall sa isang hukay sa barangay upper Kamuntayan, Talipao Sulu.
Natagpan ang bangkay ni Hall ng joint task force Sulu batay sa impormasyong kanilang natanggap mula sa mga residente kung saan, agad itong idineretso sa kanilang Sulu headquarters bago i-turn over sa PNP SOCO
Una nang natagpuan ang ulo Ni hall na iniwan sa harap ng Jolo Cathedral nuong Hunyo 3 o isang araw matapos siyang pugutan ng mga bandido makaraan ang bigong pagbibigay ng ransom money kapalit ang kaniyang kalayaan
By: Jaymark Dagala