Nakatakdang dalhin sa korte suprema ang mga labi ni dating Chief Justice Renato Corona sa Huwebes, Mayo 5.
Inaasahang darating sa High Tribunal ang mga labi ni Corona bandang alas-7:00 ng umaga at bibigyan ito ng arrival honors.
Ilalagak ang mga labi ni Corona sa Supreme Court en banc session hall.
Nakatakdang magsagawa ng necrological services ang Korte Suprema bandang alas-11:00 ng umaga kung saan inaasahang magbibigay ng final tribute ang mga kasamahan nito.
Samantala, isa pang hiwalay na necrologoical service ang isasagawa alas-4:00 ng hapon sa pangunguna ng Philippine Judges Association o PJA.
Nakatakda namang ibalik ang mga labi ni Corona sa heritage park sa Biyernes, alas-7:00 ng umaga.
Si Corona na ika-23 punong mahistrado ng Pilipinas at ika-150 associate justice ng Korte Suprema, ay pumanaw noong April 29 dahil sa atake sa puso sa edad na 67.
By Meann Tanbio