Tila nabunutan ng tinik ang ama ng 16 anyos na si Michael Angelo Remecio matapos kumpirmahin ng PAO o Public Attorneys Office na positibong sa binatilyo nga ang labing natagpuan sa isang bakanteng lote sa Bulacan nuong Miyerkules.
Kasunod na rin ito nang isinagawang forensic analysis sa natagpuang labi kagabi.
Kaninang madaling araw naman nang maibalik ang labi ni Michael sa kanilang tahanan sa Bagong Silang, Caloocan City.
SMW: RPE