Nagluluksa ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa pagyao ng dating PNP comptroller na si Major Gen. Jose Ma. Victor Ramos na mas kilala sa tawag na Jovic.
Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Ysmael Yu, malaking kawalan sa pnp ang maagang pagpanaw ni Ramos lalo’t kilala rin ito bilang isa sa mga pinakamahusay na pinuno ng pulisya.
Sa isang pahayag naman, sinabi ni PNP Chief Police Gen. Camilo Cascolan na nakikiisa siya sa lahat ng mga pulis lalong-lalo na ang kaniyang mga “mistah” sa Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class of 1986 sa panalangin para sa kanilang minamahal na kaklase.
Agad aniyang dinala sa Eternal Gardens sa sta. Rosa, laguna ang labi ni Ramos upang duon i-cremate bago isagawa ang mga ilalatag na memorial services para rito.
Tiniyak din ng PNP chief, bibigyan ng buong pagpaparangal ng pulisya at militar si Ramos na naaakma para sa kaniyang pagiging heneral ng pulisya at ng hukbong sandatahang lakas ng bansa.
Nakataka sanang magretiro si Ramos sa kaniyang serbisyo sa Nobyembre a-25 taong kasalukuyan.