Masama sa kalusugan ang kulang sa tulog ngunit may masama ring epekto sa kalusugan ang labis na pagtulog.
Inirerekumenda na 5 hanggang 9 na oras lamang ang oras ng tulog ng isang tao.
Ayon sa mga eksperto, ang sobra sobrang pagtulog ay may kinalaman sa sakit sa puso at dugo, obesity, diabetes at depression.
Ngunit para matiyak ang sapat na tulog sa isang araw ay maaari namang mag-“power nap”.
Ipinapayo rin ng mga eksperto na kapag matutulog na sa gabi ay huwag gumamit ng gadgets bilang pampaantok.
Pinakamabuti pa rin daw kung matutulog sa gabi, pero kung hindi ito maaari dahil sa oras ng trabaho o pag-aaral, ay dapat na pumili ng akmang schedule ng pagtulog at siguruhing mapapanatili ang ganitong schedule. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico