Pagbabago ng klima na dulot ng labis na aktibidad ng tao itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng mga sunog sa kagubatan na regular na sumisira sa kanlurang Estados Unidos, ayon sa isang inilathalang pag-aaral.
Sinisira ng mga sunog ang average 13,500 sq/km o 5,200 sq. miles bawat taon sa kanluran ng Amerika sa pagitan ng 2001 at 2018, dalawang beses na mas malaki kaysa sa pagitan ng taon 1984-2000.
Ayon sa mga eksperto sa klima, dahil sa mga greenhouse gases na nabuo ng aktibidad ng tao, pangunahin na ang paggamit ng fossil fuel, uminit na umano ang planeta ng humigit-kumulang 1.1 degrees celsius mula pa noong pre-industrial era. —sa panulat ni Joana Luna