Kasalukuyang nakakaranas ng labis na tag-init o heatwave ang France at iba pang bansa sa Western Europe.
Kahapon lamang, naitala sa France ang 42.9°C o katumbas ng 109.2° Fahrenheit.
Habang ang maraming bansa sa rehiyon ang nakapagtala ng higit 40°C.
Maliban dito, may ilan na ring naipaulat na forest fire dahil sa sobrang init.
Nabatid na ito rin ang pinakamaagang heatwave na naitala sa France sa simula noong 1947.