Pansamantala munang isinara sa mga pasyente ang labor at delivery room ng the Pasig City General Hospital (PCGH) ngayong weekend.
Ayon sa pamunuan ng PCGH, simula kasi ngayong araw Mayo- a 28 ay magsasagawa sila ng fumigation at disinfection hanggang bukas Mayo a-29.
Paliwanag nila, nagsimula pa noong 2020 ang regular na fumigation at disinfection sa ospital para tiyaking ligtas ang mga buntis, bagong panganak at sanggol mula sa iba’t ibang uri ng nakakahawang sakit.
Kasabay nito, nilinaw ng Pasig Public Information Office (PIO) na tatanggap pa rin ng extreme cases of emergency ang ospital gayundin ang mga buntis na nakatakdang manganak sa nasabing ospital.