Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga labor groups bilang bahagi ng selebrasyon ng Labor Day sa Mayo 1.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang isasagawang diyalogo sa sektor ng pag-gawa ay patunay na seryoso ang Pangulo na pakinggan ang kanilang mga hinaing.
Inaasahan ni Bello na tatalakayin sa nasabing diyalogo ang isyu sa kontraktuwalisasyon at iba pang problema sa pag-gawa.
Nasa isang libong (1,000) mga manggagawa ang posibleng magtungo sa mass protests na isasagawa sa Quezon City Memorial Circle sa Labor Day na dadaluhan ng Pangulo.
Bago magtungo sa naturang labor mass protest, nakatakda ring makipag-usap ang Pangulo sa mga employers o stakeholders.
By Krista de Dios
Labor day meeting ni Pangulong Duterte sa mga manggagawa kasado na was last modified: April 20th, 2017 by DWIZ 882