Pangkalahatang naging mapayapa ang komemorasyon ng araw ng paggawa matapos ang kaliwa’t kanang kilos protesta ng mga labor group.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Col. Bernard Banac, pinapupurihan ng PNP ang mapayapa at maayos na paggunita ng mga manggagawa sa Labor Day, kahapon.
Umabot aniya sa 8,200 indibidwal ang lumahok sa mga Labor Day Protest sa buong bansa kung saan pinakamarami ang naitala sa Metro Manila na nasa 5,000.
Sa kabila nito, nananatiling naka-full alert ang PNP upang tumugon sa anumang emergency at magbigay seguridad sa publiko para maiwasan ang pagkalat ng krimen.