Umapela sa kongreso ang isang labor group ng dagdag P100 across-the-board increase sa minimum wage sa bansa.
Ito’y makaraang pumalo sa 7.7% ang inflation rate noong Oktubre, ang pinaka-mabilis na paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa nakalipas na 14 na taon.
Ayon kay Partido Manggagawa National Chairman Rene Magtubo, lahat ng mga manggagawa ay apektado na nang walang-awat na pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.
Nalagasan anya ng P76 ang purchasing power ng mga minimum wage earner dahil sa umaalagwang presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo ng pagkain.
Kamakailan lamang ay inaprubahan ng mga regional wage boards ang dagdag sahod sa halos lahat ng rehiyon, kabilang na sa Metro Manila. —sa panulat ni Jenn Patrolla