Buo ang suporta ng labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-revisit ang mga polisiya upang palakasin ang pagpasok ng foreign investments sa Pilipinas.
Ayon kay TUCP Vice President Luis Corral, maaaring maisulong ng investments na ito ang employment sa bansa. Kaugnay nito, matatandaang hinihikayat ni Pangulong Marcos ang foreign businesses na mag-invest sa Pilipinas dahil sa highly-skilled at English-speaking workforce nito.
Kapansin-pansin ang skills ng mga Pilipino maging sa ibang bansa dahil kamakailan lang, pasok sa Top 7 ang Pilipinas sa list of fastest-growing remote work hubs sa buong mundo. Batay ito sa inilabas na ranking ng World Economic Forum na base sa Nomad List.
Maituturing na remote work ang isang trabaho kapag ginagawa ito sa tahanan, pribadong opisina, o kahit saang hindi sakop ng traditional corporate office. Sa ganitong klase ng setup, kadalasang hina-hire ng foreign clients ang mga Pilipino para sa kanilang negosyo. Kabilang dito ang mga trabaho ng copywriter, social media manager, customer service representative, virtual assistant, at iba pang online jobs.
Matatandaang noong September 27, 2023, nilagdaan ni Pangulong Marcos bilang batas ang Republic Act No. 11962 o mas kilala bilang Trabaho Para sa Bayan Act. Sa pamamagitan ng upskilling at reskilling, mas palalakasin ang employability at competitiveness ng mga Pilipino. Tutugunan nito ang pangangailangan ng mga manggagawa na mag-update ang skills at i-promote ang paggamit ng digital technologies. Sa pagsusulong sa paggamit ng digital and modern technologies, mas dadami ang job opportunities para sa mga Pilipino, kabilang na ang remote work.
Mapapansin din ang significant improvement sa labor sector. Noong December 7, 2023, naipakita ng datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat na sa 95.8% ang employment rate sa buwan ng Oktubre. Ito ang pinakamataas na employment rate sa bansa sa loob ng 18 years.
Sa patuloy na dedikasyon at commitment ng administrasyong Marcos at sa patuloy na pagdagsa ng foreign investments, maaasahang magkakaroon ang bawat Pilipino ng high-quality at well-paying jobs—remote work man o hindi.