Haharapin bukas ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng mga manggagawa sa bansa.
Ayon kay Allan Tanjusay, tapagasalita ng Alliance of Labor Union- Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), nais nilang malaman sa Pangulo kung ano ang programa nito para sa mga manggagawa sa harap ng masyado nang mataas na presyo ng bilihin.
Kasabay ng pulong ng Pangulo at Alyansa ng mga Manggagawa ang pagsasabatas ng Pangulo sa Occupational Safety and Health Law kung saan may katapat na P100,000 kada araw na multa ang employer na lalabag dito.
Sinabi ni Tanjusay na umaasa rin silang bibigyang pansin ng Pangulo ang panukala na bigyan ng subsidy ang mga minimum wage earners.
“Ipaparating namin sa kanya na dapat tawagan nila ang mga Wage Board na i-adjust ‘yung wage rate at higit sa lahat ay aprubahan niya na ‘yung aming proposal sa kanya na magbigay ng subsidiya, walang programa ang gobyerno kung ano ang gagawin natin sa kasalukuyang panahon na ang tindi na ng taas sa presyo, wala eh.” Pahayag ni Tanjusay
(Balitang Todong Lakas Interview)