Nanawagan ang ilang labor groups kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-usad ng Security of Tenure bill.
Ito’y matapos hindi banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang naging State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa panukalang batas na tutuldok sa “endo” o end of contract sa bansa.
Ayon kay Josua Mata, pinuno ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, pirma na lamang ng pangulo ang hinihintay ng batas ngunit tila hindi naisama sa SONA ang pagtalakay hinggil sa tunay na estado nito.
Para naman sa Trade Union Congress of the Philippines, bagama’t nabanggit ng pangulo sa SONA ang tungkol sa pagpasa ng bagong bersyon ng Salary Standardization Law, kulang pa rin anila ito na tulong sa mga manggagawa, partikular na sa mga empleyado sa pribadong sektor na nanganganib nang ma-endo.