Ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang lahat ng aktibidad ng labor inspection ngayong Disyembre.
Ito’y upang bigyang-daan ang DOLE na tutukan ang lahat ng mga nakabinbing kaso sa labor standards at ihanda ang Inspection program sa 2022.
Inatasan ng Kalihim ang mga DOLE Regional Director na pansamantalang itigil ang lahat ng labor inspection activities sa kani-kanilang rehiyon simula December 1.
Gayunman, exempted sa suspensyon ang Occupational Safety and Health (OSH) COVID-19 monitoring sa ilalim ng Joint Memorandum Circular 20-04a ng DOLE at Department of Trade and Industry;
Complaint Inspections; OSH Standards Investigations; Technical Safety Inspections at inspeksyon ng anumang establisyimento o industriya.
Ang mga nabanggit na aktibidad ay dapat isagawa sa mahigpit na pagsunod sa pinakamababang pamantayan sa kalusugan ng publiko.